Home NATIONWIDE Matik taas-honoraria sa electoral board isinusulong ng Comelec

Matik taas-honoraria sa electoral board isinusulong ng Comelec

208
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang batas na magbibigay ng awtomatikong pagtaas ng honoraria para sa mga miyembro ng Electoral Board (EB) tuwing halalan, upang hindi na sila palaging umapela para sa dagdag na sweldo.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layunin ng panukala na magkaroon ng nakatakdang pagtaas sa honoraria sa bawat halalan upang mapahalagahan ang serbisyo ng mga miyembro ng EB.

Sa halalan noong Mayo 12, ang honoraria ay itinakda sa P13,000 para sa chairman, P12,000 para sa poll clerk at ikatlong miyembro, at P9,000 para sa support staff.

Para naman sa volunteer staff mula sa Department of Education, ang bagong rates ay P12,000 para sa mga supervisor, P9,000 para sa administrative support staff ng mga supervisor, at P10,000 para sa technical support staff ng mga supervisor.

Kasama sa mga halagang ito ang dagdag na P3,000 na iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Garcia na posibleng ipatupad ang pagtaas ng honoraria sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here