Home ENTERTAINMENT Carla, nagbanta ng demanda sa online site!

Carla, nagbanta ng demanda sa online site!

217
0

Manila, Philippines- Kasinungalingan!

Wari ay ito ang nagsusumigaw na reaksyon ni Carla Abellana patungkol sa nilalaman ng isang online site.

May kinalaman kasi ito sa inilabas nitong balita na nagkaayos na raw sila ng dating asawang si Tom Rodriguez.

Nagkaayos daw sila to the point na napatawad na raw ng Kapuso actress ang former partner.

Bale ba, hindi pa doon nagtapos ang pekeng balita dahil inihayag din nitong open si Carla sa posibilidad na makipagbalikan kay Tom.

“But she’s not rushing,” patuloy pa ng site.

Ikinowt ng naturang online site ang source nito sa balita, even dragging Carla’s dad Rey “PJ” Abellana.

Bumilib daw kasi si Rey sa desisyon ng anak kung kaya’t ipinauubaya na lang nito kay Carla ang gagawin nitong hakbang.

“Rey is stepping back to let Carla decide on her own,” imbentong saad pa ng balita.

Inalmahan naman ni Carla ang fake news na ‘yon, to the point of mulling a legal complaint against the online site including its source.

“Kung idemanda ko na lang kaya kayo,” pahiwatig ng aktres.

Matatandaang October 2021 when Carla and Tom got hitched only to separate three months later.

Taong 2023 nang mag-divorce ang dalawa, ayon kay Carla in her guesting on Fast Talk with Boy Abunda. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here