Home NATIONWIDE Oras ng pagpila sa MRT stations nabawasan na – DOTr chief

Oras ng pagpila sa MRT stations nabawasan na – DOTr chief

267
0

MANILA, Philippines- Nabawasan na ang oras ng pagpila sa Metro Rail Transit (MRT)- 3 stations ng hindi bababa sa pitong minuto mula sa dating 30 minuto hanggang isang oras, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon noong Biyernes.

Ayon kay Dizon, ang deployment ng karagdagang MRT -3 trains at pag-alis sa x-ray machines habang pinananatili ang seguridad sa deployment ng K9 dogs gayundin ang mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard, ay gumawa ng pagbabago.

Pero nilinaw ni Dizon na ng nabawas na oras sa pila sa mga train stations ay hindi sapat.

Kung maaari pa aniyang pabilisin at mawala nang tuluyan ang pila ay kanilang gagawin.

Ayon pa kay Dizon, makikita na napakalaking diperensya kung saan dati ay umaabot ng halos isang oras ang pila at minsan ay lampas pa ng isang oras.

Dahil aniya sa ginawa nila base sa direktiba ng Pangulo, ngayon ay minuto na lamang ang binibilang ng commuters. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here