MANILA, Philippines- Bulto ng 20,000 minimum wage earners na makikinabang mula sa P20 per kilogram rice program ng gobyerno ay mula Bicol Region.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) spokesman Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang natukoy na program beneficiaries ay base sa listahan na ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Nakipag ugnayan kami sa aming AMAS (Agribusiness and Marketing Assistance Division) at sabi nila mayroon nang listahang naibigay. ‘Yun nga, 120,000, at ang karamihan nasa list na maraming minimum wage earners ay sa Bicol area,” ang sinabi ni De Mesa.
Ang DA at DOLE, araw ng Martes “agreed in principle” na isama ang minimum wage earners sa nagpapatuloy na pilot run ng subsidized rice program.
Bilang inisyatiba sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo program, sa P20 per kilogram rice campaign, pinahihintulutan ang mga miyembro ng vulnerable sectors na bumili ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa ‘subsidized price’. Ang indigents, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents ay kabilang sa mga benepisyaryo ng programa.
Ang Food Terminal Inc. at DA regional field offices ang ‘in charge’ sa distribusyon.
Winika ni De Mesa na nagbase ang DA sa listahan na ibinigay ng DOLE, bilang may kapangyarihan pagdating sa labor sector.
Gayunman, sinabi ni De Mesa na bukas ang Agriculture Department na isama ang mga manggagawa sa informal sector—gaya ng mayroong seasonal jobs—sa micro, small, and medium (MSME) sector.
“Puwede po natin isunod ‘yung mga ganyan sa pakikipagtulungan sa mga local governments kung ‘di sila organized under the system of Department of Labor,” ayon kay De Mesa.
Ang susunod na phase para sa P20 per kilogram rollout targets areas ay may high poverty incidence, gaya ng mga mahahalagang lugar sa Mindanao.
“Sa susunod na phases natin sa Phase 2, priority talaga diyan ‘yung mga lugar na mataas ang poverty incidence. Kagaya ng Zamboanga del Norte nga, almost 38%, ibig sabihin 4 sa 10 tao mahirap sa lugar na iyon. And then sa Basilan, actually sa may BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) area, masyadong marami mahirap doon. ‘Yun ‘yung mga susunod na priority,” ang pahayag ni De Mesa.
Layon ng Agriculture Department na panatilihin ang programa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa June 2028, malamang na saklawin ang 15 milyong pamilya o 60 milyong Pilipino.
Kamakailan lamang ay tiniyak ni Pangulong Marcos na makakaya ng kanyang administrasyon na panatilihin ang programa, sabay sabing “we’ll talk in May of 2028” kung ang nilalayong resulta ay ganap na makamit. Kris Jose