Home NATIONWIDE DQ petition vs BH party-list tuluyang ibinasura

DQ petition vs BH party-list tuluyang ibinasura

181
0

MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang desisyon na nagbabasura sa petition for disqualification laban sa Bagong Henerasyon (BH) party-list at sa mga nominado nito.

Sa walong pahinang desisyon, ibinasura ng poll body ang motion for reconsideration (MR) na inihain ng petitioner na si Russel Stanley Geronimo kaugnay sa naging desisyon noong May 22 ng Comelec First Division kung saan ibinasura ang disqualification petition na kanyang inihain laban sa party-list.

Ang respondents sa kaso ang BH Party-list group gayundin si Rep. Bernadette Herrera, Robert Gerard Lopez Nazal Jr., at Maria Editha Tan Alcantara.

Ayon sa Comelec en banc, nabigo ang petitioner na pagpakita ng anumang bago, compelling evidence at inulit lamang ang mga puntong kanyang ginawa sa kanyang petisyon.

Noong nakaraang linggo, ibinasura ng Comelec First Division ang disqualification petition na inihain ni Geronimo dahil sa hindi pagbigay ng kopya ng petisyon sa mga respondent sa pamamagitan ng personal na serbisyo at dahil sa hindi paglakip ng kopya ng Certificate of Nomination-Certificate of Acceptance of Nomination.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kapag hindi makakuha ng temporary restraining order sa Korte Suprema ang Petitioner-Appellant, at kung sakaling aapela sila sa pamamagitan ng Petition for Certiorari, magiging final and executory ang en banc decision sa loob ng limang araw.

Nauna nang ipinagpaliban ng Comelec bilang National Board of Canvassers ang proklamasyon ng BH Party-list at Duterte Youth dahil sa mga nakabinbing petisyon na inihain laban sa kanila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here