Home ENTERTAINMENT Jennica, inakalang ‘patay’ art card!

Jennica, inakalang ‘patay’ art card!

249
0

Manila, Philippines- With the recent spate of showbiz deaths, local entertainment can only take so much.

Ang pinakahuli nga’y ang OPM legend at icon na si Freddie Aguilar.

Showbiz peeps can only wish na matapos na ang cycle na ito.

Kaso’y naalarma na naman ang showbiz nang bumalandra ang art card kung saan inanunsyo ng isang chapel sa Bocaue, Bulacan ang ginanap na santacruzan nitong May 30.

Nakabalandra kasi ang nakangiting mukha ni Jennica Garcia na naimbitahan para maging Reyna Emperatriz.

Sa mabilisan nga namang tingin ay aakalain mong “obituary” ‘yon.

Kaya ganoon na lang ang nahintatakutang reaksyon ni Melai Contiveros!

Maging si Janine Gutierrez ay nag-react din.

Hindi rin pinalampas ng mga netizens ang tila “St. Peter Memorial Chapel” na dating ng art card.

Tinatawagan tuloy ang pansin ng parokya sa Bocaue sa “misleading” art card na ito para maiwasan ang pag-alala ng mga artistang iniimbitahan nila sa nasabing religious event. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here