Home NATIONWIDE LTFRB sa public transpo: Tumalima sa pagbibigay ng student discount

LTFRB sa public transpo: Tumalima sa pagbibigay ng student discount

255
0

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampublikong transportasyon na sumunod sa student discount na itinakda ng ahensya.

Ayon sa LTFRB, kabilang sa mga sakop ng student discount ang mga estudyante na naka-enroll sa elementary, sekondarya, technical vocational school .

Sinabi pa ng ahensya na ang mas mataas na edukasyon ay may karapatan sa 20 porsyentong diskwento ng mag-aaral sa regular na pamasahe.

Kaugnay nito, sinabi pa ng LTFRB na hindi sakop ng diskwento ang mga naka-enroll sa post graduate (masters, doctoral) at mga impormal na maikling kurso tulad ng sa driving school.

Samantala, nagbigay ng paalala ang LTFRB sa mga pampublikong transportasyon sa lupa na dapat magbigay ng diskuwento maliban sa mga Tourist shuttle school service na under contract ang pag hire.

Idinagdag pa ng LTFRB na maaaring mapatawan ng parusa ang mga public transport na hindi susunod sa itinatakda na batas ng ahensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here