Home METRO 4 Chinese arestado sa ‘scam hub’ sa Parañaque

4 Chinese arestado sa ‘scam hub’ sa Parañaque

198
0

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na Chinese matapos salakayin ng NBI ang isang condo unit sa Parañaque City na hinihinalang scam hub.

Ayon sa ulat, naaktuhan ang mga suspek na nagtatapon ng laptops at cellphone sa bintana upang sirain ang ebidensiya.

Nakarekober ang mga awtoridad ng mga electronic device na umano’y ginagamit sa online scam.

Kakaharapin ng mga naaresto ang kaso sa ilalim ng Anti-Financial Account Scamming Act.

Sinisikap ng NBI na makuha ang datos mula sa mga nasirang gadget upang matukoy ang mga biktima at mga bansang tina-target. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here