Home NATIONWIDE Dry run ng odd-even scheme sa EDSA sa Hunyo 16, ipinagpaliban –...

Dry run ng odd-even scheme sa EDSA sa Hunyo 16, ipinagpaliban – Dizon

231
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde rin ang implementasyon ng dry run ng odd-even coding scheme sa Epifanio delos Santos Avenue (Edsa) sa Hunyo 16, ayon kay Transport Secretary Vince Dizon nitong Linggo, Hunyo 1.

Ito ay kasunod ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspensyon ng rehabilitasyon ng EDSA sa loob ng isang buwan.

“Hindi na muna kasi pag-aaralan muna natin ulit. Hindi na muna matutuloy yan sa June 16,” ani Dizon.

Inaasahang ipatutupad sana ang naturang traffic scheme kasabay ng pagsisimula ng P8.7 bilyong EDSA rebuild project mula Hunyo 13 hanggang 2027. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here