MANILA, Philippines- Tinawanan lamang ni Vice President Sara Duterte ang pagtatalaga kay Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nicolas Torre III, nanguna sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, bilang bagong PNP chief.
“That’s my reaction,” pahayag niya sa isang press conference sa The Hague noong Sabado, matapos tawanan ang tanong ukol sa pagkakatalaga ni Torre.
Si Torre ang hahalili kay outgoing PNP chief Gen. Rommel Marbil, nakatakdang magretiro sa June 7. Magaganap ang turnover of command ngayong Lunes, June 2.
Pinangunahan din ng bagong PNP chief ang pagdakip sa teleevangelist na si Apollo Quiboloy, nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse, at human trafficking. RNT/SA