Home NATIONWIDE Ukraine naglunsad ng drone attack vs Russia

Ukraine naglunsad ng drone attack vs Russia

232
0

KYIV — Inatake ng Ukrainian secret services ang strategic bomber aircraft sa Russian air bases nitong Linggo sa pamamagitan ng pagtatago ng drones na may pampasabog sa loob ng wooden sheds, ayon sa Ukrainian security official at batay sa mga imaheng naka-post online.

Isinakay ang mga shed sa mga truck na dinala patungo sa perimeter ng air bases. Naiangat ang roof panels ng mga shed gamit ang remotely-activated mechanism, kaya nakalipad ang mga drone at sinimulan ang pag-atake, base sa opisyal.

Sinabi ng hindi pinangalanang security official, na isinagawa ang pag-atake nitong Linggo sa apat na air bases, at may kabuaang 41 Russian warplanes ang tinamaan, subalit hindi pa ito nabeberipika.

Inihayag ni Igor Kobzev, regional governor, na nagkaroon ng drone attack sa military unit malapit sa Sredny, kalapit ng Belaya base, bagama’t hindi tinukoy kung ano ang target. Aniya, inilunsad ang mga drone mula sa isang truck.

Ang operasyon ay may code name na “Spider’s Web,” batay sa Ukrainian security official, at personal na pinangasiwaan nina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at Vasyl Maliuk, pinuno ng SBU domestic intelligence agency.

Sakaling makumpirma, ang nasabing pag-atake ang pinakamalakas na Ukrainian drone attack sa digmaan, at malaking dagok para sa Moscow. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here