Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nag-alburuto

Bulkang Kanlaon nag-alburuto

255
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na pinangangambahan nito ang biglang pagsabog ng bulkang Kanlaon matapos mamataan ang pamamaga ng bulkan sa paligid nito iniulat nitong Linggo, June 1, ng Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs, nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkang Kanlaon matapos maiulat ang 10 volcanic earthquake sa pagligid nito.

Sinabi pa ng Phivolcs na iniulat din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 750 metro sa nakalipas na 24 oras.

Nabatid pa sa ahensya na ipinapayo nito ang paglikas ng mga residente na naninirahan malapit sa bulkan na nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.

Kaugnay nito, ipinagbabawal ng ahensya ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Samantala, pinaalalahanan ng Phivolcs na maaaring maganap ang mga sumusunod na biglaang pagsabog ng bulkan, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo at pagguho ng bato mula sa tuktok ng bulkan at pagdaloy ng lahar sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here