Home NATIONWIDE Vaping mas mapanganib sa paninigarilyo sa tumataas na adiksyon ng kabataan –...

Vaping mas mapanganib sa paninigarilyo sa tumataas na adiksyon ng kabataan – DOH chief

301
0

MANILA, Philippines- Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa na ang paggamit ng vape ay mas mapanganib kaysa sa paninigarilyo dahil mas maraming nakababatang Pilipino ang naaadik sa high-nicotine vape products sa ilalim ng maling paniniwala na sila ay mas ligtas.

Ayon sa Department of Health (DOH) chief, maraming mga teenager ang nagiging biktima ng mapanlinlang na marketing na nagpo-promote ng vaping bilang uso at hindi nakakapinsala.

Binanggit ni Herbosa na hindi tulad ng tradisyunal na tabako, ang vape liquids ay may makulay na packaging at mga fruit flavors na idinisenyo upang maakit ang mga menor-de-edad.

Binanggit ni Herbosa ang kaso ng 22 taong gulang na pasyente na namatay sa Philippine General Hospital matapos magkaroon ng komplikasyon na nauugnay sa vaping.

Ang pangmatagalang epekto ng vaping, babala ni Herbosa, ay tatama sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bansa.

Tinukoy din ni Herbosa ang pagbabago sa national smoking behavior.

Bagama’t bumaba ang tradisyunal na paggamit ng sigarilyo dahil sa mas mataas na sin taxes, tumaas naman ang paggamit ng vape. Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here