Bulacan – Arestado ang dalawang indibiduwal matapos umanong mahulihan ng baril at patalim sa Oplan Sita ng pulisya sa lungsod Malolos nitong Hunyo 2.
Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, nakilala ang mga suspek na sina alyas Van at Chie.
Ayon sa imbestigasyon, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malolos police station bandang 2:00 ng madaling araw sa Brgy. Bulihan nang pahintuin ang isang tricycle dahil sa umano’y reckless driving.
Sa halip na huminto ang tricycle na natuklasang walang plaka ay pinaharurot pa umano ito ng driver na agad hinabol ng mga pulis hanggang sa masukol din kalaunan.
Nang hanapan ng lisensya ang driver bilang bahagi ng standard procedure ay napansin ng mga pulis ang .38 caliber sa baywang ni alias Van na may tatlong bala kaya agad inaresto.







