CEBU-NAGING abo ang isang junk shop at dalawang kabahayan matapos lamunin ng apoy, nitong Linggo, Hunyo 1, sa bayan ng Catmon.
Ayon kay Fire Chief Investigator Ariel Gimenez ng Catmon Fire Station, bandang 11:40 a.m. nagsimula ang sunog sa junk shop sa Sitio Tinibgan, Barangay Panalipan, ng nasabing bayan nap ag-aari ng isang Orlando Alarcon.
Sa lakas ng apoy mabilis itong kumalat hanggang sa nadamay ang dalawang bahay.
Itinaas sa second alarm ang sunog at idineklarang kontrolado ang sunog pagsapit ng 12:17 p.m. at fire out bandang 12:48 p.m.
Tinatayang aabot sa P570,000 ang halaga ng pinsala.
Personal naman dinamayan ni Mayor Avis Ginoo Monleon ang mga nasunugan para iabot ang tulong ng lokal na pamahalaan. Mary Anne Sapico