Home METRO Task force kontra monkeypox, binuo sa Cebu

Task force kontra monkeypox, binuo sa Cebu

193
0

CEBU CITY – BUMUO ng inter-agency task force ang pamahalaan lungsod ng Cebu para tututok sa monkeypox (mpox) virus, ngayon Lunes, Hunyo 2.

Sa ipinalabas na pahayag ng Cebu City Public Information Office (PIO), nilagdaan ni Cebu City Mayor Raymond Alvin Garcia ang kautusan para sa paglikha ng inter-agency task force kontra monkeypox (mpox) virus.

Pangungunahan ito ng City Health Department na magbabantay sa kaso ng mpox sa lungsod at mag-uulat ng kalagayan ng mga pasyente.

Inirekomenda rin ni Garcia sa City Council ang pagbalangkas ng ordinansa na magtatakda ng emergency plan bilang tugon sa banta ng sakit.

Iniulat ng alkalde na may apat na suspected mpox cases sa lungsod, ngunit ang mga pasyente ay naka-isolate at wala pang dapat ikabahala.

Ipinaalala ni Garcia na naihahawa ang mpox sa pamamagitan ng skin-to-skin contact. Tiniyak din niya na ang mga ospital sa lungsod ay handa na laban sa virus mula pa noong nakaraang taon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here