Home NATIONWIDE Task force na mangangasiwa ng PH hosting ng Asia-Pacific scout jamboree nilikha

Task force na mangangasiwa ng PH hosting ng Asia-Pacific scout jamboree nilikha

310
0

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng isang Inter-Agency Task Force na susuporta sa paghahanda, pag-organisa, at pag-host ng bansa sa 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree (APRSJ). 

Nakatakdang i-host ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Boy Scouts of the Philippines, ang 33rd APRSJ mula December 14 hanggang 21, 2025 sa Kainomayan Scout Camp sa Botolan, Zambales. Ang tema ng event ay “Be Prepared: Scouts for Peace and Sustainable Development.”

Nakasaad sa Administrative Order No. 33 ni Marcos na dapat suportahan ng Task Force ang BSP sa paglikha at pagpapatupad ng mga programa, aktibidad, at proyekto, maging sa organisasyon at pangangasiwa ng requirements para sa pag-host ng 33rd APRSJ.

Titiyakin din nito ang koordinasyon at kolaborasyon sa iba pang departamento, bureau, opisina, ahensya at instrumentalities ng pamahalaan, kabilang ang GOCCs at SUCs, ukol sa paghahanda para sa 33rd APRSJ. 

Ang APRSJ ay isang major scouting event sa Asia-Pacific region, naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga scout na edad 12 hanggang 17 na maranasan ang world scouting sa masaya at katuto-tutong kapaligiran. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here