Home NATIONWIDE Pagpasa ng ‘state of imminent disaster’ bill itinutulak ng OCD

Pagpasa ng ‘state of imminent disaster’ bill itinutulak ng OCD

156
0

MANILA, Philippines- Itinutulak ng Office of Civil Defense (OCD) ang agarang pagpapasa ng batas na naglalayong baguhin nang lubusan ang disaster preparedness efforts ng bansa.

Ang Senate Bill 2999, kilala bilang Declaration of State of Imminent Disaster Bill, hangad na maitatag ang legal framework para sa pagdedeklara ng sakuna, kalamidad bago pa ito mangyari base sa ‘scientific forecasts at assessments.’

“It’s time to prioritize anticipatory action—preventive steps that can stop disasters from escalating. We need laws that empower communities and make our disaster response more proactive rather than just reactive,” ang sinabi ni OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno sa isang kalatas.

Ang batas, iniakda ni Senator Jinggoy Estrada, naglalayon na punan ang patlang o agwat sa disaster protocols sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga awtoridad na magdeklara ng “state of imminent disaster”—isang proactive na hakbang base sa scientific forecasts na maaaring mag-trigger o magbunsod ng maagang pagkilos.

Ang diskarteng ito ay suportado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at alinsunod sa regional practices, kabilang na iyong mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

“We commend Senator Estrada for championing this initiative. Moving from a reactive stance—responding only after disasters happen—to a proactive approach is essential. Acting early can help prevent or significantly lessen the impact of calamities,” ang dagdag na pahayag ni Nepomuceno.

Binigyang-diin ng senador ang ‘vulnerability’ ng Pilipinas, sinabi nito na ang bansa ay nahaharap sa 20 bagyo kada taon, kasama ang pagbaha, landslides, at storm surges.

Ang mga bagyo noong nakaraang taon lamang ay nagresulta ng P20 bilyong halaga ng pinsala, naapektuhan ang milyong Pilipino.

Binigyang-diin din ni Estrada ang kahalagahan ng pagbibigay sa lokal ng pamahalaan ng mas ‘flexibility’ o kakayahang umangkop sa pagpanukala ng 70% ng disaster funds para sa anticipatory measures.

Sa ganitong paraan, ang mga lokal na opisyal ay maaaring kumilos nang mabilis kapag dumating ang mga babala, kaysa maghintay na dumating ang sakuna.

Ang batas ay idinisenyo para paghusayin ang pakikipag-ugnayan sa hanay ng national agencies, local governments, at international partners, gawin ang disaster response na mas episyente at epektibo.

“As climate change accelerates, we need to move from being reactive to proactive,” ayon kay Estrada.

“This bill is about turning disaster risk into an opportunity for leadership and innovation,” dagdag na wika nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here