Manila, Philippines- Kahit hindi pinalad manalo nitong nakaraang eleksyon ang tumakbong konsehal sa Pasig na si Ara Mina, madali naman siyang nakapag-move on.
In fact mas, naging blooming pa ito sa bago niyang hairstyle.
Nalungkot pero aniya tuloy lang ang buhay.
Hindi lamang ang pagkatalo ni Ara ang inuurot ng netizen, maging ang saloobin niya sa break-up daw ng kapatid na si Cristine Reyes at Marco Gumabao ay tinatanong din.
Madami din kasing pagkakataon na nakasama niya ang dating nobyo ng kapatid sa mga okasyon ng pamilya.
Sa programa ni Boy Abunda ay natanong ang aktres kung ano ang reaksyon niya rito.
Kung ano raw ang alam ni Ara ay mananatili na lamang itong kanya.
Hindi raw siya ang tamang tao para magsabi ng real score sa dalawa.
Sabi pa ni Ara ay mature na raw si Cristine at naroon lang silang pamilya niya para rito.
Nagbahagi naman ng appreciation si Ara sa nakababatang kapatid dahil kinabukasan daw after ng eleksyon ay nag-text ito at niyaya siyang mag-dinner.
Marahil raw ay para i-comfort siya kung saan naroon naman lagi ang kanyang kapatid para suportahan ito. Rommel Placente