Home NATIONWIDE Pasilidad sa NAIA T3 ininspeksyon ni PBBM

Pasilidad sa NAIA T3 ininspeksyon ni PBBM

220
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng pag-inspeksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong paslidad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Binisita ni Pangulong Marcos ang nasabing terminal para i-check ang progreso at i-upgrade ang paghahatid ng serbisyo lalo pa’t ang operasyon ay itinurn-over sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).

Mainit na tinanggap ang Pangulo nina Transportation Secretary Vince Dizon, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines.

Binigyan din ng briefing ang Pangulo kaugnay sa accomplishments ng NNIC sa VIP Lounge ng terminal.

Inikot din ng Pangulo ang pasilidad ng terminal kabilang na ang ‘Immigration Area, overseas Filipino workers (OFW) Immigration Annex, OFW Lounge and OFW Rest Area, Transportation Network Vehicle Services (TNVS) area, at Arrival curbside area.’

Sinabi ng Pangulo na nakita niya na maraming improvements sa nasabing terminal. Inihayag pa niya ang mga pasilidad para sa OFWs ay makikitang maayos ngayon.

”So I have also been hearing feedback especially after Christmas na may improvement talaga na nakita dito sa airport and I wanted to see it for myself,” ang sinabi ng Pangulo.

”So not only was I able to see it for myself but I also heard from the chairman of NNIC that we are… of all the new continuing plans that he has to expand the airport so that we are able to handle and process more passengers, more travelers, more tourists, etc.,” aniya pa rin.

Binanggit pa ng Pangulo na ang inspeksyon ay isinagawa habang ina-assess ng mga opisyal ng pamahalaan ang bagong proyekto, na makapagpapahusay sa paliparan sa Maynila.

”As you know, we just made an inspection. The reason why is meron kami ina-assess na bago pang project para sa ating airport dito sa Manila para pabilisin ang pagdaloy ng ating mga travelers, both in and out, lalong lalo na ang mga OFW,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here