MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na magpasa ng mga ordinansa na susuporta sa pagpapatupad ng national laws na magre-regulate sa ‘tobacco, vapor, at vaporized nicotine products.’
Sa isang memorandum circular, sinabi ng ahensya na ang local legislation o lokal na batas ay dapat na alinsunod sa national laws at hindi dapat magtakda ang LGUs ng hiwalay na pamantayan sa pagbebenta, paggawa at distirbusyon ng mga nasabing produkto.
Inatasan ang LGUs na aktibong magpatupad ng Republic Act (RA) 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003), RA 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), RA 10643 (Graphic Health Warning Law), and related laws, including RA 11467 at RA 10351 (Sin Tax Reform Law).
Hinimok din ang mga ito na pairalin ang mga patakaran hinggil sa smoke-free environments, magtalaga ng smoking areas, at mapakita ng graphic health warnings.
Pinaalalahanan naman ng DILG ang LGUs na ipagbawal ang paggamit ng vaporized at non-nicotine products sa indoor public areas gaya ng elevator at mga hagdanan, pagbabawal ng pagbebenta sa non-smokers at mga taong ang edad ay ‘under 21.’
Samantala, inaasahan naman na makikipag-ugnayan ang LGUs sa Bureau of Internal Revenue sa pagpapatupad ng floor price o minimum price para sa vapor products at nicotine salts sa mga lokal na pamilihan. Kris Jose