Home NATIONWIDE Mga magbababoy handa vs sirit-ASF sa tag-ulan – DA

Mga magbababoy handa vs sirit-ASF sa tag-ulan – DA

199
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na handa ang sektor ng magbababoy sa posibleng pagbalik ng African Swine Fever (ASF) ngayong tag-ulan.

Matapos ang outbreak noong huling bahagi ng 2024 sa Batangas, inilunsad ng DA ang kontroladong pagbabakuna gamit ang AVAC live vaccines mula Vietnam na napatunayang epektibo sa pagpapababa ng kaso mula halos 600 barangay hanggang wala pang 30 ngayong taon.

Binigyang-diin ng DA ang kahalagahan ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagtaas ng kaso, lalo na’t maaaring kumalat ang virus sa pamamagitan ng tubig. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here