Home NATIONWIDE PH emergency sa HIV ‘di kailangang ideklara – solon

PH emergency sa HIV ‘di kailangang ideklara – solon

205
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin, dating kalihim ng kalusugan, hindi kinakailangang ideklara ang HIV bilang public health emergency kahit tumaas ng 500% ang mga kaso sa Pilipinas. Dapat lang matiyak ang sapat na gamot, dagdagan ang kaalaman, at alisin ang stigma laban sa mga may HIV.

“We really don’t need to declare a public health emergency but what we need here is a constant reminder. Declaring national health emergency will not make any difference,” ani Garin.

Ipinaliwanag ni Garin na ideklara lamang ang emergency kung kailangan ng dagdag pondo at resources, ngunit may mga umiiral nang programa tulad ng libreng HIV testing at antiretroviral therapy (ART). Ang pagtaas ng mga kaso ay dahil sa mas maraming pagsusuri at kamalayan.

“You only declare a public health emergency when you need to find new funds, mobilize resources, and intensify global collaboration,” dagdag pa niya.

Iniulat ng DOH ang pagtaas ng HIV cases at iminungkahi ang emergency declaration para mapalakas ang aksyon.

Ngunit nanawagan si Garin ng patuloy na edukasyon at pagtanggal ng diskriminasyon upang masugpo ang HIV. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here