MANILA, Philippines – Magsisimula ang Air India ng direktang flights mula Manila patungong Delhi sa Oktubre 1, 2025, limang beses kada linggo gamit ang Airbus A321neo.
Layunin ng rutang ito na mapalago ang turismo sa pamamagitan ng pagpapadali ng paglalakbay para sa mga Indian, lalo na’t pinapayagan na ang visa-free entry para sa mga Indian ng hanggang 14 na araw sa Pilipinas.
Malugod na tinanggap ng Indian Embassy sa Manila ang anunsyo at sinabi nitong palalakasin nito ang ugnayan sa turismo at negosyo.
Noong 2024, humigit-kumulang 79,000 Indian ang bumisita sa Pilipinas, na may paglago pero mas mababa pa kumpara sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Bukas na ang bookings. RNT