MANILA, Philippines- Sa dalawang araw na kampanya sa pagpuksa ng marijuana na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Kalinga Provincial Office, kasama ang lokal na pulisya, sinira ang 42,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱8,400,000 sa Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Natuklasan na ang pinagtataniman ng halaman ng marijuana ay may sukat na humigit-kumulang 2,800 metro kuwadrado. Ang lahat ng mga halaman ay binunot at sinunog sa lugar kung saan ay walang naaresto sa operasyon. Val Leonardo/Danny Querubin