Home NATIONWIDE Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

230
0

MANILA, Philippines – Dapat maghanda ang mga motorista sa pagtaas ng presyo ng langis sa susunod na linggo.

Ito ay bunsod ng gagawing adjustment sa presyo ng gasolina at diesel ang mga petroleum retailer dulot ng tensyon sa pandaigdigang merkado at mga suliranin sa suplay.

Inaasahan na tataas ang presyo ng gasolina ng P0.15 hanggang P0.60 kada litro, diesel ng P0.50 hanggang P0.90, at kerosene ng P0.25 hanggang P0.40.

Kabilang sa mga dahilan ang mga hidwaan sa politika, sunog sa Canada, at pagbaba ng suplay ng krudo sa US.

Karaniwang inia-anunsyo ang mga pagbabago tuwing Lunes at ipinatutupad kinabukasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here