Home NATIONWIDE Tambay na Pinoy dumami sa 2.06 milyon sa Abril 2025

Tambay na Pinoy dumami sa 2.06 milyon sa Abril 2025

285
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas sa 2.06 milyon noong Abril 2025.

Sa isang press conference ipinahayag ni National Statistician Claire Dennis Mapa na tumaas ang unemployment rate ng edad 15-anyos pataas sa 4.1% nitong Abril mula sa 3.9% noong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bunsod ito ng dumami na mga sumali sa labor force ngunit kakaunti lang ang nakahanap ng trabaho.

“Dumami kasi ang mga kasama sa labor force, labor force participation, so siya ‘yung factor… ‘pag tumataas ang labor force participation, hindi naman lahat na-absorb lahat para maging employed persons,” ani  Mapa.

Sa kabila nito, lumago rin ang bilang ng mga nagtatrabaho ng 650,000, umabot sa 48.67 milyon, kung saan ang sektor ng serbisyo ang may pinakamaraming empleyado.

Nakitaan ng pagtaas sa trabaho ang mga sektor ng administratibo, pampublikong pamamahala, agrikultura, konstruksyon, at edukasyon, habang bumaba naman sa paggawa at ilang serbisyo.

Tumaas din ang underemployment na umabot sa 7.09 milyon.

Binanggit ng mga opisyal ang tibay ng labor market at ang pangangailangan para sa mas mataas na kalidad ng mga trabaho. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here