Home ENTERTAINMENT Valerie Tan, sinabihang mas magaling kay Toni Gonzaga!

Valerie Tan, sinabihang mas magaling kay Toni Gonzaga!

246
0

Manila, Philippines – Sa media conference ng pagsisimula ng 10th season ng travel and lifestyle show na I Heart Ph kung saan si Valerie Tan ang main host, may napansin ang ilang taga-entertainment media.

Sa Q&A portion, agaw-pansin ang obserbasyon ng ilan na mas magaling, mas lively, at mas kikay daw mag-host si Valerie kung ikukumpara sa kanyang ka-lookalike—na ang tinutumbok ay si Toni Gonzaga.

Napangiti lang dito si Valerie at hindi na nag-comment sa sinabi ng karamihan upang hindi na magkaroon ng isyu.

Matagal na rin sa ere ang I Heart Ph na napapanood sa GTV tuwing Linggo ng 10:30 AM. Ito ay produced ng TV8 MEDIA.

Ang isang season sa television world ay binubuo ng tatlong buwan, kaya kung susumahin ay magtatatlong taon na sa ere ang I Heart Ph.

“There are a lot of challenges para umabot kami sa season 10.

“For one, we are competing for the attention of everyone. We need to be more entertaining and informative and stay relevant.

“And because nakaabot kami sa 10th season—thank God—I think we are doing something right,” sabi naman ni Valerie.

Sinabi rin ni Valerie na pinakamasaya para sa kanya ang pagta-travel.

“Travelling opens your eyes. When we go to a new place, mari-realize mo na malaki at malawak ang mundo,” sabi niya.

Binanggit din ni Valerie na when you get older, financial and health constraints limit your ability to travel, but you just need to find the perfect balance.

“In travelling, you need to be responsible sa gastos.”

FYI, nagwagi ang I Heart Ph sa Star Awards for TV bilang Best Travel Show.

“Kinilabutan ako nung nanalo ang show sa Star Awards for TV, para kaming nasa Cloud 9. But we are not resting on our laurels.

“Tuloy-tuloy kami at mas lalo pa naming ginagalingan.

“May in-explore ako when we went to a Thai fishing village sa Hong Kong. Super laid-back kasi ang lugar.

“We learned na before, Hong Kong was a fishing village pala talaga.

“I also participated in Hong Kong’s Bun Festival.

“Sa Hong Kong, I really love yung mga dimsum na tinutulak—yung naka-trolley na sine-serve ang dimsum.

“Also, first time ko to see a panda in real life.

“Sa cartoon ko lang sila nakikita noon.

“Nakahiga lang sila and natutulog lagi. Gentle giants indeed,” sabi pa ni Valerie tungkol sa kanyang experience sa Hong Kong.

Energetic at laging on the go si Valerie. Marami nga ang nakapansin sa kanyang pagiging ‘game’ sa halos lahat ng challenges.

“I am always game for the show. Like yung pagsakay sa cable cars.

“Okay naman siya kasi it’s 100 percent safe. And yung umakyat ako ng tower, mataas siya pero may harness naman,” dagdag pa niya tungkol sa kanyang karanasan sa Hong Kong.

FYI din, ka-partner ng I Heart Ph ang Hong Kong Tourism.

Sinabi nga sa mediacon na travelling to HK is hassle-free because it is only 1.5 hrs away from the Philippines. So convenient.

“Low budget lang siya and you get to experience yung HK night market and street food,” sabi pa niya.

Si Valerie ay aminadong may asawa na at happily married.

At dahil lagi siyang busy at nawawala, nami-miss daw siya ng kanyang asawa.

“When you love someone, you don’t clip their wings. So my husband supports me all the way.”

Valerie got to experience almost everything as host.

“And I relay the message to the viewers.”

Nagbigay din siya ng tip para sa top 3 essentials niya when she travels: power bank, toothbrush, and bags with lock.

Sa ngayon, ilan sa mga nasa bucket list ni Valerie ay ang pagbisita sa Croatia at South Africa.

Binanggit naman ng kasama nila mula sa Hong Kong Tourism na ang most happy bunch of tourists sa kanilang bansa ay mga Pilipino.

Last year lang daw ay may 1.2 million tourists from the Philippines to HK.

Good luck sa 10th season ng I Heart Ph sa GTV.
– JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here