Home ENTERTAINMENT Barbie at Kyline, nag-bonding, nagplastikan daw!

Barbie at Kyline, nag-bonding, nagplastikan daw!

292
0

Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon ang kumalat na litrato ni Barbie Forteza kasama si Kyline Alcantara.

Ito ay may kaugnayan sa naging bonding nila sa paglalaro ng badminton kamakailan.

May caption itong: “Uy may sumama @itskylinealcantara thank you for joining me mare ko. I’ll be seeing more of you soon. Excited na ako.”

Nang maibahagi naman ito sa isang portal, samu’t-sari ang naging reaksyon ng mga katikatera sa nasabing photo ng dalawang aktres.

Hirit ng mga nag-aampalaya, nagplastikan daw ang dalawa.

May mga nagtanggol naman sa kanila at nagsabing dati na silang magkaibigan.

Matatandaang may common denominator ang dalawa: pareho kasi silang naging dyowa noon ni Miguel Tanfelix.

May mga nagmamahadera pang nagsasabing pinagtsismisan daw nila ang aktor lalo pa’t napapabalitang break na rin ang “Ang Batang Riles” star sa kanyang dyowang si Ysabel Ortega.

Ito naman ang reaksyon ng mga nagma-Marisol sa kumalat na photo ng kanilang bonding.

“Naging athletic at sportsminded si Barbie after her breakup with Jak.”

“So good influence sa kanya si Kyline.”

“Don’t tell me, mag-bfr ang mga ex ni Miguel.”

“Plastikan pa more.”

“Ang magkumareng nag-break sa kanilang mga dyowa.”

“Ano kaya o sino ang kanilang pinag-tsitsimisan?”

“Buti di naging war-freak noon si Kyline sa kanya.”

“Kayo talaga. Wala na ba silang K na maging magkaibigan kahit iisa ang naging ex nila?”

“Idagdag na sa equation si Ysabel Ortega na break na rin kay Miguel.”

“Di ba pareho namang hindi maganda ang naging breakup nila kay Miguel.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here