Home ENTERTAINMENT Ellie, vinideohan; Jake, balak magdemanda!

Ellie, vinideohan; Jake, balak magdemanda!

238
0

Manila, Philippines – “I’m in the process of exploring legal options!”

Ito ang tahasang pahayag ni Jake Ejercito laban sa isang influencer na kinunan ng video ang anak na si Ellie Eigenmann nang walang pahintulot.

Si Ellie ay ang 13 anyos na anak ni Jake sa inactive actress na si Andi Eigenmann.

Ang siste, vinideohan ng influencer na naggangalang Chris Briand si Ellie.

Bagama’t nakatawa pa raw si Ellie sa video ay nakatakip ang mukha nito.

Nakangiti at halatang na-starstruck naman ang mga taong nasa paligid.

Ani Jake, hindi raw nagustuhan ng anak na vinideo siya lalo’t ipinost pa ito sa TikTok.

“Clout chasing should not come at the cost of someone’s privacy,” sey ni Jake na pinag-aaralan na ang posibleng ikakaso laban sa influencer involving a minor.

So far, umani na ng 1,523 shares ang video.

Obyus na ang pagkakamali nun’g Chris Briand ay hindi siya nagpaalam kay Ellie bago ito nag-

video.

Sa ngayon, burado na sa TikTok ang nasabing video. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here