MANILA, Philippines – Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 37,000 pulis sa buong bansa para sa pagbubukas ng School Year 2025–2026 sa Hunyo 16.
Humigit-kumulang 5,000 pulis ang itatalaga sa police assistance desks sa mga paaralan, habang ang iba naman ay magiging mobile at foot patrollers.
Sa Northern Mindanao, pinaigting din ang seguridad sa mga pampublikong lugar.
Tatagal ang school year hanggang Marso 31, 2026, bilang pagbabalik sa dating school calendar bago ang pandemya. Santi Celario