MANILA, Philippines – Simula ngayong Linggo, Hunyo 8, papayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga turistang Indian nang walang visa para sa 14 na araw.
Ito ay basta’t may dalang kumpletong dokumento sa biyahe, kumpirmadong akomodasyon, patunay ng kakayahang pinansyal, at tiket paalis ng bansa ang mga nasabing dayuhan.
Maaaring manatili nang hanggang 30 araw ang mga may valid American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore or United Kingdom (AJACSSUK) visas o residence permits.
Ang visa-free entry ay para lamang sa turismo at hindi maaaring palawigin o palitan ng ibang status.
Kailangang mag-apply pa rin ng visa ang mga may derogatory record o pupunta para sa hindi pang-turismong layunin. Maaaring mag-apply ng e-Visa sa evisa.gov.ph. RNT