MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na plano nitong mas ibaba ang maximum suggested retail price ng imported rice ng P2 kada kilo simula sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa global market.
Sa isang kalatas, sinabi ng DA na plano nitong bawasan ang MSRP ng imported rice ng P43 kada kilo simula July 1, 2025 mula sa kasalukuyang P45 kada kilo na sumipa noong March 31, 2025.
Sa pinakabagong datos, makikita sa price monitoring ng DA na ang presyo ng imported commercial rice sa Metro Manila ay mula P39.83 kada kilo hanggang P58.65 kada kilo hanggang noong Hunyo 4, depende sa pagtutukoy.
Matatandaang, mas ibinaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Executive Order 62 noong June 2024, ang tariff rates para sa bigas sa 15% hanggang 2028 mula sa 35%.
Ito’y matapos na hangarin ng administrasyon na mas ibaba ang presyo ng commercial rice, kung saan mabibili ng P20-per-kilo ang bigas sa KADIWA o Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganing Ani at Mataas na Kita Centers na nagsimula noong Mayo, na magtatagal hanggang sa Disyembre ng taon. Ito ang campaign promise ni Pangulong Marcos sa kanyang presidential run noong 2022.
Bilang bahagi ng 50th anniversary celebration, namahagi ang National Housing Authority (NHA), sa pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai, ng libreng bigas sa mga pamilya sa resettlement communities sa Bulacan at Valenzuela. Danny Querubin
Sa ilalim ng programa, nakatakdang bumili ang gobyerno ng bigas sa National Food Authority (NFA) sa halagang P33 kada kilo, na ipagbibili naman sa halagang P20 kada kilo, na may P13 kada kilo na subsidy na paghahatian ng national government at local government units, lalabas na tig-P6.50 ang bawat isa.
“Marami pa rin ang nagdududa kung paano masu-sustain o patatagalin itong P20 rice na ito. May stock pa ba tayo ng bigas? Kaya ba ito na bayaran ng gobyerno?” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog na ipinalabas, araw ng Linggo.
“Masu-sustain po natin ‘yan basta’t nagtutulungan ang lahat. Ang sisiguruhin natin ay hindi mawawalan ng abot kayang bigas ang ating mga kababayan,” dagdag niya.
Samantala, makikita naman sa pag-monitor ng DA na ang presyo ng local commercial rice sa Metro Manila markets ay mula P38.17 kada kilo hanggang P57.73 kada kilo hanggang noong June 4, 2025. Kris Jose