Home NATIONWIDE 10K POGO workers na nananatili sa bansa, pinahahanap ni Barbers

10K POGO workers na nananatili sa bansa, pinahahanap ni Barbers

237
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni House Quad Committee Chairman at Surigao del Norte Rep Rober Ace Barbers ang mga concerned agencies ng gobyerno na magtulungan para mahanap o matunton ang may 10,000 illegal POGO workers na nanatiling nasa loob ng bansa.

Ang kautusan ay ginawa ni Barbers sa huling pagdinig ng House Quad Commn.

Sa nasabing pagdinig ay inamin ni Presidential Anti-Organized Crime Task Force Undersecretary Gilbert Cruz na may 9,000 hanggang 10,000 chinese nationals na dating nagtatrabaho sa POGO hubs ang hindi umalis ng bansa.

“To quote Usec Cruz, these foreigners are now ‘pakalat-kalat.’ You, the concerned agencies should be proactive, wag tutulog-tulog. This matter involves national security because these foreigners may now either be criminals or spies. For all you know, one of them is your neighbor,” pahayag ni Barbers.

Sinabi ni Barbers nan ang i-ban na ang POGO sa bansa ay hiniling ng QuadComm na magkaroon ng central database para matukoy ang mga POGO workers subalit hanggang sa kaslaukuyan ay wala pang ganitong mekanismo.

“If we do not know how many POGO workers have entered the country and where are they located, how can we monitor their activities?” ani Barbers.

Sinabi ni Paolo Magtoto ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 15,140 ang alien employment permits na inisyu ng DOLE para sa 16 POGO establishments at nang iutos ang ban sa POGO ang mga permit na ito ay kanila nang kinansela.

Aminado ang DOLE na nang kanilang kanselahin ang permit ay hindi rin nila alam kung nasaan na ang mga POGO workers.

Ipinaliwanag naman ni Bureau of Immigration Officer Vicente Uncad na matapos kanselahin ng DOLE ang employment permit, ang ginawa ng BI ay tinangal nila ang working visas at pinalitan ng tourist visa.

Ang tourist visa ay may bisa ng 6 na buwan subalit mayroon pa rin opsyon ang dayuhan na palawigin ito kada buwan sa loob ng 2 taon.

Sinabi ni Uncad na kanilang beberipikahin kung humingi ng extension visa ang mga POGO workers.

Samantala, nababahala naman si Antipolo City Rep. Romeo Acop, na walang listahan ang bansa ng mga naisyuhan ng tourist visa o entry permits, hindi lamang para sa mga POGO personnel kundi maging sa iba pang dayuhan.

“That is because several agencies are authorized by law to issue visas, including the Department of Foreign Affairs, the special economic zones, PRA (Philippine Retirement Authority), and even DTI (Department of Trade and Industry),”ani Acop.

Sinabi ni Acop na dapat mayroong listahan ng entry permits na ibinibigay sa mga dayuhan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here