Home ENTERTAINMENT Tom, flinex ang mag-ina!

Tom, flinex ang mag-ina!

Manila, Philippines – Nakabalandra nga pero nag-iiwan pa rin ng misteryo ang larawang ipinost ni Tom Rodriguez sa kanyang Instagram ng kanyang mag-ina.

Makikita sa photo na karga-karga ng Kapuso actor ang kanyang anak na si Korben.

Sa opposite side naman ay ang litrato ng kanyang partner.

Clad in blue, kapwa nakatalikod ang ina ng bata at si Korben mismo.

Nilakipan ito ng angkop na caption ni Tom: “Some treasures in life are too sacred to put on full display…this isn’t about hiding. This is about holding.”

Pinanghahawakan daw ni Tom ang bagay beyond the cameras, the noise and the roles he plays.

Dagdag niya: “The family of mine is my sanctuary–my peace.”

Kung matatandaan, inihayag ni Tom ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak noong November last year.

Named Korben–or anagram for “broken”–apat na buwang gulang na that time ang mestisuhing bata.

Nitong March ay may kuha siya kasama si Korben pero hindi exposed ang hitsura nito.

Last month, nag-alay pa ng tula si Tom para sa anak.

Inaasahang next time ay handa nang ipakita ni Tom ang hitsura ni Korben, preferably together with his partner. Ronnie Carrasco III