Home NATIONWIDE PCG magsasagawa ng damage assesment sa sumadsad na Chinese militia sa Pag-asa

PCG magsasagawa ng damage assesment sa sumadsad na Chinese militia sa Pag-asa

MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng environmental damage assessment ang Philippine Coast Guard sa pagsadsad ng Chinese militia vessel sa Pagasa Reef 1.

Ayon kay PCG for the West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela, kasama ng ahensya sa pagsasagawa ng assessment ang iba pang concerned agencies para matukoy ang epekto ng insidente sa yamang dagat ng Pilipinas.

Namataan noong Sabado ng PCG ang Chinese maritime militia vessel na may bow number 16838 na sumadsad sa Pagasa Reef 1 na isang milya ang layo mula sa Pagasa Island.

Pinaniniwalaang natangay sa mababaw na bahagi ang barko dahil na rin sa sama ng panahon.

Ayon sa PCG, hindi tumugon ang Chinese vessel na umano’y hinila ng dalawa pang barko ng China palayo sa pinagsadsarang bahura. Jocelyn Tabangcura-Domenden