Home ENTERTAINMENT Barbie, may pakiusap sa lovelife ni David!

Barbie, may pakiusap sa lovelife ni David!

Manila, Philippines – Just as she demands that her personal life be respected ay nakiusap din si Barbie Forteza na igalang ang pribadong buhay ni David Licauco.

Wala na ngang kawala si David nang mabunyag na “taken” na siya.

Usap-usapan na simpleng “K” kung i-address ni David ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Take note, lagi raw isinasama ni David ang nobya unmindful kung ano ang sasabihin ng tao.

In other words, hindi raw niya ikinahihiya ito.

‘Yun nga lang, very evident na hindi kumportable ang Chinoy actor to talk about K much less share certain details about her identity.

Nauunawaan naman ni Barbie what it feels like na kinukulit ng press tungkol sa lovelife ng kanyang screen partner.

Sa pagkakataong ‘yon pumasok na si Barbie sa eksena in defense of David.

Pakiusap ng aktres, hayaan na lang daw si David if he chooses to keep his private life strictly private.

Naramdaman kasi ni Barbie that David was ill at ease to talk about it.

Dahil ika nga the cat is out of the bag with David telling the world na taken na siya, huwag nang ipilit ang BarDa romance as being real.

Tigilan na ang publicity stunt na ito that only tends to deceive the public! Ronnie Carrasco III