Pinag-usapan na ng mga senador kung pagbobotohan na ang mosyon ng
Minority Bloc na i-convene ang Senado bilang impeachment court kaugnay
ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR
MORALES
MANILA, Philippines – Bumoto ang Senado nitong Lunes ng gabi, Hunyo 9, para ipasa ang verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa committee on rules.
Ang mosyon para sa referral ay ginawa ni Senador Joel Villanueva matapos magpulong ang mga senador sa panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kasabay ng suspensyon ng sesyon.
Sinegundahan ni Villanueva ang mosyon ng panunumpa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.
Tinanong naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung ang panunumpa ng mga senador bilang senator-judges ay nangangahulugan na magco-convene na ito bilang impeachment court.
Kalaunan ay muling sinuspinde ng mga senador ang sesyon para pag-usapan ang naturang isyu. RNT/JGC