Home NATIONWIDE 15 Florida bus na ‘nagkakarerahan’ sinuspinde ng DOTr

15 Florida bus na ‘nagkakarerahan’ sinuspinde ng DOTr

271
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang 15 bus ng GV Florida Bus Company ng 30 araw matapos ang viral video ng umano’y karerahan ng mga bus sa Cagayan National Highway.

Tinanggihan ni DOTr Secretary Vince Dizon ang paumanhin ng kumpanya.

“Hindi porke’t walang nasaktan, walang nadisgrasya eh ganon ganon na lang. I saw the statement and apology of the Florida Bus Company, and I’m telling them now, apology not accepted,” anang kalihim.

Sinuspinde rin ng 90 araw ang mga driver.

Naglabas ng show cause order ang LTFRB upang pagpaliwanagin ang Florida Bus kung bakit hindi dapat bawiin ang kanilang prangkisa.

Kailangan ding dumaan sa road safety seminar at drug test ang mga driver habang suspendido. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here