MANILA, Philippines – Patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sanggunian Kabataan Elections sa Disyembre 2025 sa kabila ng panukalang ipagpaliban ito.
“We don’t allow these developments in Congress to affect our ongoing preparations for the BSKE,” ani Comelec Chairperson George Garcia sa isang online interview.
Ang tinutukoy ni Garcia ay tungkol sa panukalang inaprubahan ng House of Representatives na palawigin ang termino ng mga incumbent barangay at SK officials. Ani Garicia, kapag maisabatas ang panukala, gaganapin na sa Mayo 29 ang susunod na BSKE.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, dapat silang magpatuloy hangga’t walang batas na nagpapaurong ng halalan.
Aniya, mas delikado kung ihihinto ang paghahanda lalo’t nakabili na sila ng mga pangunahing gamit tulad ng indelible ink at ballot boxes. RNT