Home HOME BANNER STORY Torre: Tabachoy ng parak ‘di mapo-promoteHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Torre: Tabachoy ng parak ‘di mapo-promoteJune 11, 2025 08:15 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na hindi mapo-promote ang mga pulis na overweight.Kailangang pumasa sa physical fitness test (PFT) at magkaroon ng normal na body mass index (BMI) ang lahat ng pulis.Ang mga bumagsak nang dalawang beses sa PFT o hindi pumasa sa BMI ay hindi rin papayagang sumailalim sa training na kinakailangan para sa promosyon.Ayon kay Torre, seryoso siyang ipatupad ang mga fitness requirement bilang bahagi ng propesyonalisasyon ng PNP.Kasabay nito, kailangan na ring magsumite ng patunay ng aktwal na pag-aresto ang mga nais ma-promote. Santi Celario