Home METRO P.4M shabu, baril at bala nasabat sa lider ng Zamora drug group

P.4M shabu, baril at bala nasabat sa lider ng Zamora drug group

260
0

MANILA, Philippines – Nasa mahigit sa P400,000 halaga ng shabu, baril at bala ang nasamsam sa nadakip na lider ng Zamora Drug Group at tatlong iba pa na pawang nasa listahan ng High Value Individuals (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Imus City, Cavite.

Ayon sa report mula sa tanggapan ni PltCol Chey Chey Saulog, hepe ng Imus CCPS, kinilala ang mga naaresto na si alyas Jerome, lider ng Zamora Group, alyas Lea, alyas Jason at alyas Orlando na kapwa nasa listahan ng High Value Individual (HVI).

Batay sa isinagawang imbestigasyon, bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Provincial Police Office (PPO) at Imus Component City Police Station (CPS) sa Brgy. Anabu 2E Imus, City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga ito ang tinatayang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P442,000.00; buy bust money; kalibre 45 na baril; isang magazine ng kalibre 45 at apat na bala ng kalibre 45.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive of Dangerous & Anti illegal drugs ang mga suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here