MANILA, Philippines – Arestado ang isang pekeng ahente ng transportation network vehicle services (TNVS) sa entrapment operation sa Taguig City, sinabi ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (HPG) nitong Martes, Hunyo 10.
Ayon kay HPG spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang, ang suspek ay naaresto sa Barangay Cembo noong Lunes.
Sa ulat, humihingi ang suspek sa mga biktima ng hanggang P25,000 para sa temporary permit to operate ng isang TNVS vehicle.
Mayroong kabuuang 13 kaparehong reklamo ang naitala ng HPG.
Tinitingnan ng HPG ang reklamong large-scale estafa sa suspek.
“We are still targeting na masampahan siya ng large-scale estafa kasi kung talagang estafa case lang, isang complainant lang,” ani Malang.
“Muli, may 12 na tayong additional complainant para magsampa ng kaso para hindi na makapag-bail ito pong tao na ito kasi kung siya ay makakapagpiyansa muli, magkakaroon na naman ng pagkakataon na manloko,” dagdag pa niya.
Iniimbestigahan na kung may mga kasabwat ang suspek o kung miyembro ito ng mas malaking grupo. RNT/JGC