Home NATIONWIDE Imminent Danger Bill, lusot sa 3rd reading sa Senado

Imminent Danger Bill, lusot sa 3rd reading sa Senado

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado sa botong 21-0-0 ang isang panukalang batas kamakailan upang punan ang pagkukulang sa pagitan ng disaster preparedness at disaster response sa ikatlo at huling pagbasa.

Kasama bilang co-author sina Senador Pia Cayetano, Joel Villanueva at Majority Leader Francis Tolentino sa Senate Bill 2999 na inihain ni Senador Jinggoy Estrdada na kikilalanin bilang An Act Establishing a Mechanism on the Declaration of State of Imminent Disaster.

Sinabi ng pangunahing awtor na krusiyal ang pagsasabatas ng panukala dahil ikatlo ang Pilipinas sa 193 bansa sa buong kundo na may pinakamaraming kalamidad at kagipitan base sa ulat ng World Risk Index 2024.

Ani Estrada, may mahigpit na pangangailangan na bigyan ng atensiyon ang pambansang patakaran na magbabawas sa pagiging vulnerable ng Pilipinas, pamahalaan ang disaster risk at mapadali ang pagtugon at pagbabangon.

“The measure seeks to strengthen our disaster resilience amid the expected harsher impacts of climate change, and plugs a crucial gap between disaster preparedness and response,” ani ng senador.

Aniya, “the proposed legislation is an innovative policy that would empower government agencies to act before a disaster will strike rather than take action after its aftermath.

Under the act, the President, upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may declare a state of imminent disaster over a cluster of barangays, municipalities, cities, provinces and regions.”

Binigyan ng kapangyarihan ang local chief executives na magdeklara ng state of imminent disaster alinsunod sa rekomendasyon ng Regional Disaster Risk Reduction Management (DRRM) councils, sa pamamagitan ng isang executive order na nasasakupan kapag nararamdaman nilang may imminent danger sa kanilang lugar.

“The NDRRMC and the DRRM councils shall conduct a pre-disaster risk assessment in anticipation of a highly probable disaster with projected catastrophic impacts, which shall serve as the basis for the declaration of a state of imminent disaster,” anang panukala. Ernie Reyes