Manila, Philippines- Sa isang portal, pilit na pinagsasabong ng mga katikatera at sawsawera ang dalawa sa most promising newbies na produkto ng Bahay ni Kuya: sina Fyang Smith at Kai Montinola.
Pareho kasing malakas ang following ng dalawa lalo na sa mga GenZers.
Pinaghahambing din hindi lang ang ganda nila kundi pati ang mass appeal at accomplishments nila.
Hirit ng mga maka-Fyang, lauded daw nila ang karisma ng dating PBB housemate.
Pinupuri naman ng iba ang diumano’y classic beauty ni Kai.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“I like the personality of Kaisha. Katulad nya ang papangarapin mong maging anak. She is the total package.”
“Kai is almost perfect.. matangkad maganda ang katawan at super pretty. Pero c fyang pang barbie ang beauty c Kai naman ky pwde sa Ms universe.”
“Si fyang very humble yan, sa batang edad kumikita na yan, me sariling pera bago pumasok sa pbb.”
“Fyangie syempre she is the youngest secret millionaire.”
“Si fyang.. Madiskarte sya. Sanay sa gawain masipag na bata..”
“C kai classic ang beauty.”
“Fyang is already a silent millionaire bago pa mag PBB.”
“Di ko bet ang pagiging taklesa no Fyang.”
“financially stable si fyanga, maganda ang personality and may manner si kai.”
“Nku kung yaman ang pinag uusapan of course c fyang, millionaria na nyan bago pamasok sa pbb.”
“Kai, mamahalin ang beauty kesa kay fyang na mukhang tambay.”
“Mas may karisma si Fyang sa masa. Very natural kasi siya at walang pretensyon.” Archie Liao