Home HOME BANNER STORY P1 sirit-presyo sa produktong petrolyo nakaumang

P1 sirit-presyo sa produktong petrolyo nakaumang

252
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng langis sa Pilipinas ng halos ₱1 kada litro sa Hunyo 17, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, ang paunang tantiya ay base sa unang dalawang araw ng trading, ngunit ang final na pagbabago sa presyo ay ibabatay sa average ng buong linggo.

Ang inaasahang pagtaas ay dulot ng mga geopolitical na isyu tulad ng giyera ng Russia at Ukraine, kasunduan ng U.S. at Iran, pakikipag-ugnayan sa kalakalan ng U.S. at China, pagbaba ng imbentaryo ng langis sa Amerika, at palitan ng piso at dolyar.

Tiniyak ng DOE ang patuloy na inspeksyon at mga hakbang para protektahan ang mga mamimili, kabilang na ang mga subsidiya sa mga magsasaka, mangingisda, at tsuper. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here