Home NATIONWIDE Magpapa-enroll sana: Nanay tigok, 2 anak sugatan sa bangga ng bus

Magpapa-enroll sana: Nanay tigok, 2 anak sugatan sa bangga ng bus

188
0

MAGUINDANAO DEL SUR — Patay ang isang ginang habang sugatan ang dalawa nitong anak na angkas matapos mabangga ng pampasaherong bus ang kanilang motorsiklo, iniulat kahapon sa bayan ng Pandag.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa ospital ang ginang, habang nilapatan naman ng lunas ang kanyang 10 at 11-anyos na mga anak na lalaki.

Ayon kay Staff Sergeant Rizalde Sumensil ng Pandag Municipal Police Station, naganap ang insidente sa national highway sa Barangay Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur.

Sa imbestigasyon, minamaneho ng ina ang motorsiklo habang angkas ang dalawang anak at pauwi na ang mga ito sa kanilang bahay pagkatapos magpa-enroll.

Habang binabaybay nila ang naturang kalsada, bigla na lamang silang nahagip ng bus dahilan para sumemplang ang motorsiklo.

Tumilapon ang mga mag-iina sa kalsada at pumailalim sa bus ang ina, na nagulungan pa, dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon sa pulisya, iniiwasan umano ng bus driver ang mga lubak sa kalsada at nagbusina pa ito bago ang insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.
/Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here