Home NATIONWIDE Palasyo sa alegasyon ni VP Sara na pandaraya sa Eleksyon 2025: Libre...

Palasyo sa alegasyon ni VP Sara na pandaraya sa Eleksyon 2025: Libre mangarap

286
0

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ng Malacañang nitong Biyernes na dapat respetuhin ang resulta ng katatapos lamang na midterm elections. 

Sa isang press briefing, nagkomento si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa akusasyon ni Vice President Sara Duterte na nagkaroon ng dayaan sa nagdaang eleksyon, sinabing tatlo pang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) bets ang “nanalo.”

”Well sa mga ganito kasi, wish lang nila iyon, libre naman ang mangarap. Ang pangarap na iyon sa ngayon ay hindi mangyayari. Ang pangarap sana ay huwag gawing reyalidad baka maraming maniwala,” wika ni Castro.

”So, kung ano po ang resolusyon ang naging resulta ng eleksyon, igalang na lang po natin,” dagdag niya.

Ayon pa sa Palace official, nais lamang umanong sirain ng kampo ni Duterte ang integridad ng halalan, maging ng Commission on Elections. 

Sa Independence Day event kasama ang mga Pilipino sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Duterte na nakausap niya ang IT experts na nagsabing imposible umanong totoo ang mga numerong lumabas sa eleksyon.

Hinikayat niya ang PDP na kwestiyunin kung paano isinagawa ang bilangan. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here