Home ENTERTAINMENT Catriona, may reax sa pagsi-ship sa kanila ni Vico!

Catriona, may reax sa pagsi-ship sa kanila ni Vico!

Manila, Philippines – “Just following each other on Instagram…only mutuals!”

Ito ang nilinaw ni Miss Universe 2018 Catriona Gray makaraang kumpirmahin na nagpa-follow-han sila ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa IG.

Nitong June 4 nang hindi nakaligtas sa mga netizens ang pagpa-follow nila sa isa’t isa.

Kaagad ding kumalat ang “ViCat,” portmanteau ng kanilang mga pinagsamang pangalan.

Mga shippers ang nasa likod nito who think na compatible sina Vico at Catriona.

For one, both of them are single.

Pareho rin silang mga born again Christians.

Hindi kaila na dati nang engaged si Cat kay Sam Milby but they broke up last year.

Si Vico nama’y nananatiling “intriguing” ang lovelife.

When asked for her comment about them being shipped, ani Catriona ay nagulat din siya.

Pero kinlaro niya na hanggang sa IG lang sila nagpa-follow sa isa t isa.

“We’re not sending DMs (direct messages),” aniya.

Marami ang curious kung hanggang saan hahantong ang pagpa-follow nila sa IG.

Will it lead to a beautiful friendship hanggang lumalim ito…who knows? Ronnie Carrasco III