Home NATIONWIDE PAL flight ‘di nakapag-taxi sa ‘wheel steering issue’ sa Ozamiz airport

PAL flight ‘di nakapag-taxi sa ‘wheel steering issue’ sa Ozamiz airport

259
0

MANILA, Philippines – Tinugunan ng Philippine Airlines ang insidente nitong Lunes ng hapon, Hunyo 16, sangkot ang isa sa mga eroplano nito sa Ozamiz Airport sa Misamis Occidental.

Sa pahayag, sinabi ng PAL na bagamat ligtas na nakalapag ang Flight PR2889 (Manila–Ozamiz) sa paliparan 6:14 ng umaga, nakaranas ito ng “nose wheel steering issue” dahilan para ito ay “temporarily unable to taxi to the terminal.”

Ligtas namang nakababa ng eroplano ang lahat ng 161 pasahero.

Sa ulat, naghintay ng nasa 45 minuto ang mga pasahero bago sila pinayagang makababa.

Nagdulot ang insidente ng pagkakansela ng ilang flight sa paliparan.

“We are coordinating closely with airport authorities to clear the aircraft and resume normal operations,” ayon pa sa PAL.

“We appreciate the patience and understanding of our passengers and the public.”

Wala pang pahayag ang aviation authorities sa Ozamiz City kaugnay sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here